Incoming student of BS Entrep.
Tangina shit. Ang hirap maging maganda. Ang dami nga nagtatanong ng pangalan ko nun pero hindi ko sinasabi. Syempre dapat suplada.
Youth camp na nga pala bukas. Syempre kasama ako dun. Puro taga bulihan kasama ko kasi sa YFC bulihan kami sumama ni ate. Hindi muna ako makakapag personal post. Bahala na si queue.
Pinapasali nga pala ako ni Kuya Pj sa camping ng YFC. Nagpaalam na naman ako kay mama tapos pumayag siya. Kasama naman kasi si ate.
3 days yun. :D
Umaga pa lang nasa PUP na ko para makapasok sa BS A. Nakapasok nga ako. Pinaasa lang nila ako.
Hindi ko alam kung sinong teacher yun pero tinignan nya yung card at PUPCET result ko, tapos pinapasok nya ko room. Mula 9am hanggang 12noon ako dun tapos papatalsikin lang pala ako. Hindi ako tinanggap sa BS A dahil sa putang ina kong grade sa physics. Mamatay na ko.
Pumunta nn lang ako sa 2nd choice kong course. HRDM. Sisiw tuloy ng accounting dyan. Tapos hindi ko naman alam na ganyan din pala magiging course ni neil. Sabi nya kasi mag IT daw sya. Bahala na. Wag nya na lanh kunin yung subject na magiging classmate kami. Bullshit. Baka hindi na ko mag shift. Peto gusto ko talaga maging CPA. Gusto ko license. Hehehe. Tsaka pangarap ko talaga yun.
Lungkot ko kanina. Salamat sa suporta ni bajejeremy. Nakakaiyak kasi. Tapos dagdag pa yung problema sa pangalan ko. Edi pila na naman ako para kausapin si ma’am ferrer. Bla bla bla. Hinanap niya si mama. Edi bumalik pa ko ng bahay kasi hindi naman alam ni mama yung school na papasukan ko. Umiyak pa nga ako pag dating sa bahay kasi nga hindi ako nakapasok sa BS A. Bla bla bla. Nakapunta na kami. Kwentuhan.. Tinanong nya kung sino daw kasama ko kanina. Sabi ko si Kuya Larj. Thank you Kuya Larj kahit hindi mo pa tinanggap yung band aid na inalok ko kahit nagdudugo na yung sugat mo. Sarap buhusan ng alcohol e. Joke. Sabi ko kay mama mabait ka. Tsaka yung mami nyo kasi bla bla bla.
Tapos nagulat ako kasi biglang tinanong ni mama kubg saan nag aaral si neil. Sabi ko sa PUP Taguig pero mag transfer sya sa sab pedro. Sana lang wag isipin ni mama na dun ako nag aral kasi alams na. Ewan ko ba kasi. Hindi ko naman alam na mag ttransfer sya dun. Edi sana hindi ako nag inquire. Bastusan e.
Thank you Lord kahit napagod at umasa ako ngayong araw. Salamat din talaga kay Kuya Larj at baje sa pagdamay sakin. Iyak na ko. Haha! Tapos salamat din pala kay Sir Noel SALAMATin.
Hahahaha. JK. Family day ng Lolarga kanina pero andun ako. Naka white pa nga silang lahat. Tapos naka white din ako. Hindi ko naman alam na ganub sila. Lagi naman kasi akong naka white tshirt. Kala mo tuloy kasama talaga nila ako kanina.
Eto na.. Wag mong lagyan ng kung anu anong pumapasok dyan sa isip mo. Kakausapin ko kasi si Tita Noemi para dun sa pag take ko ng BS A. Tropa nya kasi yung director sa PUP San pedro. Kaya ayun. Sana mapakiusapan. *pray*
Tapos kumaen pala kami sa KFC. Favorite ata dun ni Tine. Hehehe. Buti na lang at meron akong mashed potato. Favorite ko yun e. XD
Tapos nakakainis.. Magta-transfer pala si neil sa san pedro. Gaguhan? Edi makikita ko pala sya. Sa liit ng school na yun, paniguradong magkikita kami. Pero syempre magtatago ako. HAHAHA! Tapos nakakairita pa sya kanina. Tanong ng tanong kung galit ako sakanya. Sinabi ng hindi paulit ulit pa din. Pang bwiset lang e. Tas may tinuturo syang chix daw kahit hindi naman. Bulag ata sya e. Mukhang maarte yung girl tsaka ang laki ng mata. Hahaha! Basta hindi sya chix para sakin.
Tapos isa pang nakakainis.. Nagbabasa daw sya dito. Pampam. Umabot na sya ng december. Dafuq. Gagawa ako ng post para sakanya. Maghintay lang sya. Hindi muna ngayon kasi kailangan ko mag back read. Pota.
Hindi ko pala natignan yung plate number bg kotse nila. Wehehe. May picture nga pala kami ni Tine. Kinikilig ako. Haha. Joke. Ngumunguya pa nga ako dun e. Nakakaewan lang. Kulit kadi ng mami nila. Gusto pa nga kami pa ni neil. Ano yun?! Hahaha! Di nga ko pumayag. Ang ganda ko e. Hahaha!
Edi wala lang. Hindi man lang ako kinilig. Pero natuwa naman ako kahit papaano.
Wala man lang nagtetext sakin. Puro GMs yung narereceive ko sa smart. Sa sun naman puro text ng suncellular. Pang inis lang e. Wala talaga nagpiPM sakin kapag walang load si bajejeremy. Buti na lang talaga at hindi niya pa rin nakikita yung sim card nya na TM. HAHAHA.
Imba pala yung walk trip namen nung nagpunta kaming san pedro. Ang dami namen pagod pero okay lang. Masaya naman e.
Bwiset na average yan sa math, physics at english. Wag na naten idamay yung english. Naiinis talaga ako. Kung hindi kasi nagkuripot sa grade si ma’am escah edi sana umabot ng 85 yung average ko sa math. Tangena piso na lang ipinagkait pa. Tapos sa physics naman wala talagang pag asa. Sana pala nung first grading nangutang ako ng grade kay ma’am de guzman. Hindi na naman niya kasi siningil yun sa grade sa second grading. Kaso wala pa rin kwenta yun kahit ginawa ko yun. Tangenang rubi kasi to insecure sa magaganda. 79 ako sa third grading tas 80 nung fourth grading. Naawa pa si bading. Yung mga lalaki ang tataas ng grade. Nadedepress na naman tuloy ako. Hindi kasi ako pwede mag take ng BS Accountancy kung ganyan yung grades ko. 85 85 85 dapat yung average sa major subjects.
Kailangan ko na talaga makausap yung mami nila tine. Sabi naman kasi ni neil sabihin ko lang kapag nagkaron ng problema. Kaso naman etong si neil hindi nagrereply sa text ko. Hindi makakaintindi. Nakakainis. Sa dami ng number ng lolarga na naka save sa selpon ko, hindi ko alam kung ano yung number ng mami nila. Baka kasi number pa ni kuya larj yung matext ko. Nakakahiya naman.
Tangena. Si bespren na lang pag asa ko. Tropa kasi ni nanay alice yung asawa ng director sa PUP san pedro. Sana pwede pakiusapn na i take ko yung BS A. Ayoko ng ibang course. Bata pa lang ako pangarap kona maging CPA. Tsaka kahit na may dos policy pa sa accounting kaya ko naman yun.
Kaya sana naman pagbigyan ako ni Lord na i take yung BS A.
Hindi ko alam. Ang alam ko lang e birthday na ng crush kong si Lj bukas. Pero wala akong pake. Na ha-heartbroken lang ako sakanya.
Tapos bukas magddate kami ni baje. Orientation ko kasi. Nagpasama ako sakanya. Hindi naman yun masama diba? Tapos aattend kami ng fellowship pagkatapos. Ako nga pala yung manglilibre sakanya ng pagkaen. Hayup na lalaki yun.